Kapwa sabik na magharap si retired Filipino boxing champion Manny Pacquiao at Korean martial artist at YouTuber DK Yoo.
Gaganapin ang exhibition fight ng dalawa ngayong araw Disyembre 10 sa Korea International Exhibition Center sa South Korea.
Ayon sa 43-anyos na Pinoy boxing icon na kahit na exhibition fight lamang ito ay kaniya ding pinaghandaang mabuti ang laban.
Aminado din ito na lubos niyang hinahanap ng kaniyang katawan ang boxing.
Kahit na retirado ito ay hindi pa rin niya pinapabayaan na ikondisyon ang kaniyang katawan.
Huling lumaban ang dating senador noong Agosto 2021 ng talunin siya sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Yordenis Ugas.
Mayroong kabuuang record ito na 62 panalo, walong talo na may 39 knockouts.
Sa panig naman ng 42-anyos na Korean fighter na sinabi nitong sabik siyang makaharap ang Pinoy boxing icon.