Kaduda-duda ang pabalik-balik umano na zigzag pattern na paglayag ng reasearch vessel ng China na Ke Xue San Hao sa Escoda Shoal ayon sa Philippine Navy.
Sa latest monitoring, ngayong araw, ang Ke Xue Hao ay may layong 20 nautical miles sa Timog ng Escosa ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea.
Aniya, may ipinapahiwatig ang isang zigzag pattern o track na ginagawa ng China. Ikinumpara ito ni Trinidad sa isang tao na umaaligid sa isang barangay na may masamang intensyon. Aniya, kung innocent passage lang ito o napadaan lang, dapat ay tuloy-tuloy lang ito sa paglayag.
Sa datos mula sa Dark Vessel Detection Program, nagpapahiwatig na ang naturang barko ay umalis mula sa military base ng China sa Panganiban Reef (Mischief Reef) noong Hulyo 26 at mula noon ay dumaan na ito sa Ayungin Shoal, Raja Soliman Shoal, Bulig Shoal, Hasa-Hasa Shoal , Abad Santos Shoal, hanggang sa tuluyang nakarating sa Escoda.