-- Advertisements --
image 184

Nadiskubre ng Commission on Audit (COA) na bigo ang Social Security System (SSS) na makolekta ang nasa P93 billion premium contributions mula sa mga delinquent employers noong nakalipas na taon.

Sa latest report sa state-run insurance program, napag-alaman ng COA ang hindi pa nakapagremit ang nasa 466,881 employers ng kanilang kontribusyon na nagkakahalaga ng bilyun bilyon.

Lumalabas kasi sa records na nasa 90.63% ng nasabing bilyong halaga ang hindi pa nakokolekta sa loob ng mahigit 5 taon.

Kung saan ang National Capital Region ay may pinakamababang collection rate na nasa 0.59% lamang na mayroong payments na P383.7 million mula sa established collectibles para sa rehiyon na nasa mahigit P64.4 billion.

Bunsod nito, ayon sa state auditors, ang mababang koleksiyon na less than 3% ng established collectibles para sa taong 2022 ay nagdeprive aniya sa kinakailangang pondo ng SSS para sa agarang paghahatid ng social security protection, claims at mga benepisyo para sa mga miyembro at benepisyaryo nito.

Gayunpaman, iginiit ng COA na hindi dapat maapektuhan ang karapatan ng mga miyembro na makatanggap ng kanilang mga benepisyo mula sa SSS dahil sa kabiguan nito na makolekta ang m,ga kontribusyon mula sa delinquent employers.

Kung kayat, obligado ang SSS na bayaran ang benefits ng kanilang kanilang miyembro may kaugnayan sa hindi nakolektang premium contributions na negatibong makakaapekto sa reserves ng SSS.

Tiniyak naman ng pamunuan ng SSS sa state auditors na minomonitor at pinagaaralan na ng concerned offices ang status ng mga non-compliant employer accounts.

Sinabi pa ng COA na bigo rin ang SSS na kolektahan ang nasa P77 billion na loans ng members nito kabilang ang educational assistance, emergency at calamity loans na nagresulta sa pagkaantala ng reinvestment ng mga pondo para makaipon ng income para sa benepisyo ng mga miyembro nito.