Reading Time: 1 minute

Aabot sa P900,000 halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng mga operatiba sa Zamboanga.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nasabat ang mga smuggled na sigarilyo sa inilunsad na joint operation ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) noong nakaraang linggo.

Sa isang statement, sinabi ng BOC na 30 kahon ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng mga operatiba sa Port of Zamboanga noong Miyerkules, Setyembre 18.

“The said smuggled cigarettes were found loaded in two hatchback type vehicles inside the Pier Area in Zamboanga City,” ayon sa BOC.

“The drivers of the vehicles failed to present pertinent documents when they were accosted by the joint operatives,” dagdag pa nito.

Sinabi ng BOC na tatlong katao ang naaresto at dinala sa NBI headquarters para maimbestigahan at posibleng kasuhan.

Samantala, ang mga sasakyan at sigarilyong nasamsam ay subject sa forfeiture proceedings, matapos na mapaulat na may ilang indibidwal ang nagbibenta ng mga smuggled na sigarilyo sa Magay Public Market sa Zamboanga City.