-- Advertisements --
Department of Energy Philippines

Inaasahang mapapabilisan pa ang pagkaka-apruba ng hanggang P800 billion na halaga ng mga investment sa Northern Luzon.

Ang mga naturang pamumuhunan ay bahagi ng pagpapabuti sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas.

Bahagi nito ang P600 billion na solar power venture na inaasahang itatayo sa probinsiya ng Isabela, na inaasahang lalo pang magpapatatag sa power sector sa Luzon.

Samantala, bahagi rin nito ay ang 16 projects na una nang naaprubahan para sa kasalukuyang taon.

Ang 16 na pryektong ito ay inaasahang makapagbibigay din ng humigit-kumulang P384 billion na halaga ng pamumuhunan sa sektor pa rin ng enerhiya.

Board of Investments (BOI) managing head Ceferino Rodolfo, ang mga naturang pamumuhunan ay unang natukoy bilang strategic big time project, na maaaring maka-avail sa green lane para mapabilis ang pagkakaproseso sa mga kinakailangan nitong permits.

Bagaman ang P600 billion na halaga ng investment sa probinsya ng Isabela ang pinagmalaki, karamihan sa mga ito ay mga nasa renewable energy, telco tower, habang ang iba ay sa ilalim ng manufacturing.