ILOILO CITY – Nasabat ng mga otoridad ang ang nasa P8-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay San Antonio, Oton, Iloilo.
Nakuha ang tinatayang tatlong kilo ng shabu mula sa subject na si Mary Joy Villarina, 30, ng Barangay Pandac, Pavia, Iloilo na target ng operasyon Oton Municipal Police Station, Philippine Drug Enforcement Unit, Iloilo Police Provincial Office at ng Regional Police Philippine Drug Enforcement.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pol. Col. Gilbert Gorero, director ng Iloilo Police Provincial Office, sinabi nito na nagmula sa Negros Occidental ang shabu at ibebenta sana noong Pasko at Bagong Taon ngunit ngayong lang nakarating sa Iloilo.
Anya, sinalo lang ni Vilarina ang negosyo ng iligal na droga sa kanyang mga nakarelasyong durugista.
Nahaharap naman ang inaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
















