Nakatanggap ng P76 million na karagdagang pondo sa ilalim ng pambansang pondo ngayong taong 2023 ang programa ng gobyerno na nagbibigay ng P100,000 na one time cah gift para sa mga centenarian o Pilipino na umabot sa edad 100.
Ayon kay House Appropriations Committee Vice chairperson at makati city 2nd district Rep. Luis campos Jr, na 43 porsyentong mas mataas abf cash gift para sa mga centenarian ngating taon kumpara noong nakalipas na taon na nasa P178 million.
Sa ilalim kasi ng Centenarian law of 2016 o ang Republic Act No. 10868, ang bawat Pilipino na umabot sa edad na 100 taong gulang, naninirahan man sa Pilipinas o sa ibang bansa ay may karapatang tumanggap ng P100,000 na walang buwis na mayroong kasamang liham ng pagbati mula mismo sa Pangulo.
Nakasama ito sa taunang pondo ng Department od Social Welfare and Development na siyang nagpapamahagi ng naturang cash gift
Liban pa dito,mayroon ding ibinibigay na hiwalay na P100,000 na cash gift mula sa lokal na pamahalaan ang bawat residenteng centenarian gaya na lamang aniya sa lungsod ng makati.