Itinutulak ngayon sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong doblehin sa P60,901 ang entry-level na buwanang sahod ng mga government nurses.
Sa inihain na House Bill 7933 ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, iaakyat ang starting pay grade ng lahat ng mga nurses sa mga public health institutions mula Salary Grade 15 hanggang Salary Grade 21.
Sa ngayon, ang nurses na nagtatrabaho sa lahat ng mga public health institutions, tulad na lamang ng mga ospital na pinatatakbo ng Department of Health ay nakakatanggap ng starting pay na P32,053 kada buwan.
Sinabi ni Defensor na hangga’t sa hindi umaayos ang lagay ng buhay ng mga nurses sa bansa, tiyak na malaking bilang sa mga ito ang pupunta abroad para makipagsapalaran sa mas mataas na sahod
Sa kasalukuyan, nasa 19,000 nurses kada taon ang tumutungo abroad para magtrabaho, mas mataas kumpara sa 12,000 na naitala sa nakalipas na 10 taon.
Noong Sabado lang ay inalis na ng Malacañang ang temporary ban sa overseas deployment ng mga Filipino nurses at iba pang health professionals.