-- Advertisements --
image 400

Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang buy bust operation sa Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City ang isang kilo ng hinihinalang shabu.

Ayon sa Regional PIO ng PDEA na si Arvin Targa, matagal nang minamanmanan ng PDEA ang suspek.

Isang poseur-buyer ang bumili ng illigal na droga sa suspek na nagbigay ng hudyat para hulihin ang lalaki.

Kabilang sa mga nasamsam ay ang isang libong piso, budol money, isang cellphone, isang weighing scale, lighter, 2 tooter, at isang gunting.

Ayon sa PDEA, tinatayang nasa P6.8 milyon ang halaga ng nasabat na droga.

Ayon pankay Targa, pumalag umano ang suspek sa paghuli at sinaktan pa nito ang sarili.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Article 2 sections 5 at 11 ng Republic Act 9165o Dangerous Drugs Act.