-- Advertisements --

Arestado ang apat na indibidwal mahulihan ng P6.8-milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu sa buy-bust operation sa Makati City nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Agatha Caray, 45; Mary Grace Caray, 41; Abegail Calvez, 37; at Jovy Linares, 37.

Batay sa ulat ng National Capital Region Police Office, nagsanib pwersa sa operasyon ang mga pulis ng Ermita Police Station 5 at Makati City Police Station.

Tinunton ng pwersa ang bahay ng mga naaresto sa H. Santos Street.

Nakuha mula sa apat ang pakateng naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na halos isang kilo, shoulder bag, P1,000 buy bust money, dalawang cellphone at ilan pang salapi..

Isinailalim na sa drug testing ang mga suspect bago itinurn over sa City Prosecutor ng Makati para sa inquest proceedings.