Tinatayang nasa P6.8 Million na halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Malabang, Lanao Del Sur.
Ayon kay PNP DEG Director, PBGen Randy Peralta, nagkasa sila ng buy-bust operation laban sa drug suspek na nakilalang si Alraje Alamada Pagayawan na kilalang notorious drug pusher.
Sa tulong ng Marine Batallion Landing Team 2, Malabang Municipal Police Station at PDEA BARMM, nakorner ang suspek at hindi na nakapalag pa.
Nakuha sa suspek ang nasa 1 kilo umanoy shabu at buy-bust money.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng PNP DEG Office 10 ang nahuli at sasampahan ng reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2022.
Umaasa naman ang PDEG na dahil sa pagkakahuli ng suspek ay mababawasan ang kalakaran ng iligal na droga sa Malabang at mga karatig lalawigan.