CAUAYAN CITY- Ang bagong inaprubahang wage increase sa region 2 na 50 pesos to 75 pesos ay ipapatupad ng dalawa hanggang tatlong tranches
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Chester Trinidad, tagapagsalita ng DOLE region 2, ang kasalukuyang sahod para sa non agriculture sector ay 370 pesos at kapag inaprubahan ang 50 pesos na dagdag sahod ay magiging 420 pesos na.
Dalawang tranches ang ipapatupad na minimum wage rate, ang una ay ang dagdag 30 pesos matapos ang labing limang araw mula noong nai-publish habang ang karagdagang 20 pesos ay sa January 1, 2023 para maging 420 pesos ang minimum wage.
Sa agriculture sector workers ang minimum wage ngayon ay 345 pesos at mayroong karagdagang 55 pesos para maging 400 pesos ang minimum wage.
Sa hanay naman sa retail and services establishment na hindi hihigit sa sampo ang empleyado ay 75 pesos ang dagdag sahod at ipapatupad ito sa tatlong tranches.
Inihayag ni Ginoong Trinidad, na ipinadala na nila sa Wage Board Manila ang inaprubahang wage increase para sa approval and review at kapag ibinalik na sa kanilang tanggapan ay saka lamang ipublish sa newspaper na mayroong general circulation.
Kapag natapos na ang publication sa loob ng labing limang araw ay ipapatupad na ang minimum wage rate.