Nasa P50 billion na budget ang kakailanganin para sa rehabilitasyon ng Marawi.

Ayon kay Defense Secretary Delfin, kabilang sa nasabing pondo ang pag-repair at construction ng mga private at government infrastructure.

Kaugnay nito, hihingi raw siya ng supplemental budget upang maumpisahan na ang rehabilitasyon.

Sinabi ng kalihim na tama lamang ang P20 billion na budget ngayong taon para sa rehabilitasyon.

Tiwala si Lorenzana na matatapos na ang rebelyon sa Marawi sa loob ng isang buwan.

Sa kabilang dako, nangako ang US government na magdo-donate ng $14.3 million para sa rehabilitasyon ng Marawi.