Mariing itinanggi ni Supreme Court (SC) Associate Justice Justice Marvic Leonen ang artikulo na lumabas sa isang pahayagab hinggil sa P5 million na proposal daw niya para sa renovation ng Cottage G sa Baguio City.
Ayon kay Leonen, ang SC Maintenance Division ang gumawa ng naturang draft at hindi ang kanyang chamber.
Hindi rin aniya ito dumaan sa kanyang tanggapan at inilagay ito sa Court En Banc agenda.
Sa katunayan aniya, nang malaman niya ito ay agad siyang gumawa ng sulat na humihiling na i-withdraw ito at agad naman itong naalis sa agenda.
Umapela naman si Leonen sa media na maging responsable sa pagbabalita at iwasan ang mga misleading na report.
Bagamat may umiiral aniyang freedom of the press, bahagi rin aniya ng journalism ethics ang obligasyon nito sa pagpapahalaga sa decent o moral behavior.