BAGUIO CITY – Aabot sa P5 milyon ang danyos na iniwan ng sunog sa elementary school sa Tuba, Benguet noong Mayo 1, Araw ng Panggawa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major James Acod, hepe ng Tuba Municipal Police Station, sinabi niya na nagsimula ang sunog sa Principal’s Office ng Indaoac Elementary School sadiay Tabaan Sur, Tuba, Benguet.

Mabilis aniyang kumalat ang apoy dahil gawa naman sa light materials ang mga katabing silid aralan ng Principal’s Office.

Kasama sa mga nasunog ang mga mahahalagang dokumento at mga kagamitan ng paaralan.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga bombero para malaman ang sanhi ng nasabing sunog.