Umaabot na sa P49.2 million ang nalikom na pondo ng House of Representatives para sa kanilang relief efforts na ipamahagi para sa mga biktima ng bagyong Paeng.
Mismong si House Speaker Martin Romualdez, ang nanguna sa nasabing hakbang katuwang ang kanyang maybahay na si House Committee on Accounts Chairperson at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, at si House Committee on Appropriations Chairman, at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Mayroon ding mga empleyado ng Kamara ang nagdonate ng used clothes at ilang importanteng items para maidagdag sa tulong sa mga sinalanta ng bagyo.
Lubos naman ang pasasalamat ni Speaker Romualdez sa mga nagbigay ng tulong, gayundin sa mga staff ng kanyang tanggapan ng at ng Kamara na patuloy na tumutulong sa sorting at repacking ng mga relief goods para sa mga typhoon victims.
Ilan sa mga relief goods ay naipadala na sa typhoon victims sa Cavite, Laguna at Maguindanao at marami pa ang ipapadala sa iba pang mga lugar sa bansa na hinagupit ng kalamidad.
Tiniyak ni Romualez na patuloy nilang gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang makapagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa ngayon nagpapatuloy ang packing ng mga relief goods sa Kamara na ipamamahagi pa sa ibang lugar na lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Pagtiyak naman ni Speaker Romualdez na magpapatuloy ang tulong na kanilang ipamamahagi sa ating mga kababayan.