Magbibigay ang United States Agency for International Development (USAID) ng kabuuang $8 million na pondo para sa pagtugon ng Pilipinas sa mga kalamidad sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ang nasabing halaga ay katumbas ng P450 million at inaasahang gagamitin sa disaster preparedness and response sa mga vulnerable communities sa bansa/
Kabilang sa mga lugar kung saan target gamitin ang naturang halaga ay ang Bicol Region, CARAGA, at Eastern Visayas.
Sa pamamagitan din ng naturang pondo, inaasahang mapapalakas pa ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan, government agencies, at ng mga pribadong sektor.
Magagamit ang naturang partnership upang mapagbuti pa ang ibat ibang mga salik sa pagtugon sa mga kalimidad katulad ng post-disaster logistics, emergency shelter, at emergency telecommunication.
Ayon kay USAID Philippines Mission Director Ryan Washburn, ang mga inaasahang malalakas na pag-ulan at mga bagyo ang ilan sa mga pangunahing dahilan ng naturang tulong.
Kailangan aniyang matulungan ang Philippine Government dahil malaking bahagi sa komyunidad ng bansa ay vulnerable sa maraming kalamidad.