NAGA CITY – Arestado ang tatlong katao kabilang ang isang menor de edad sa ginawang buy-bust operation sa Barangay 4, Lucena City.

Kinilala ang mga nahuling sina Jervie Olavides, 31 at Ace Abad, 30, parehong kabilang sa drugs watchlist ng naturang lugar at isang menor de edad na hindi pinangalanan pa.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, una umanong nagpositibo sa buy bust si Olavides at ang kasamahan nitong menor de edad.

Nakunan ito ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sunod namang nahuli si Abad na nakunan naman ng apat na pirasong sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 75.93 grams at may estimated street value na P421,411.50.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng PNP ang mga salarin na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.