CAGAYAN DE ORO CITY -Sinunog ng mga kasapi ng pulis at sundalo ang mahigit-kumulang 2,000 puno ng fully grown marijuana na kanilang na nabunot sa loob ng dalawang ektaryang lupain sa mabundok na bahagi ng Barangay Batu-Bato,Maguing,Lanao del Sur.
Ito ay matapos hindi na nila naabutan ang nasa likod ng malawak na plantasyon na umano’y kagagawan ng isang Kumander Lomala Panggampong sa lugar.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Lanao del Sur PNP spokesperson Lt Col Ajid Manalumpong na papasok pa lamang ang security forces ay wala na ang presensiya ng mga suspek sa lugar kaya iniisa-isa ang pagbunot ng mga marijuana at ini-imbentaryo bago sinunog.
Katwiran ng Manalumpong na sinunog ang mga marijuana para wala ng tsansa na maibenta sa mga adik sa lugar.
Kakasuhan naman ng paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2002 ang grupo ni Panggambong dahil tukoy sila ng local police force sa lugar.
Magugunitang noong nakaraang linggo,may mahigit P10 milyong halaga rin ng shabu ang nakompiska ng PDEA-AFP-PNP operatives mula sa local member ng illegal drug syndicate sa mismong bayan ng Maguing.