Sa kulungan ang bagsak ng isang indibidwal matapos makumpiska ang bulto-bultong pakete ng shabu sa ikinasang buybust operation kahapon, Abril 25, sa Brgy. Banawa nitong lungsod ng Cebu.
Nakilala ang naaresto na si Ervin Jay Lacno, 35 anyos at residente ng Bulacao Pardo.
Nakumpiska mula sa posisyon nito ang 650 na gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P4.4 million pesos.
Inihayag ni Police Lieutenant Lyndon Mondragon ng City Intelligence Unit na matagal na umanong isinailalim sa surveillance si Lacno matapos makakuha ng impormasyon ang mga otoridad kaugnay sa ilegal na aktibidad nito.
Dagdag pa ni Mondragon na sa kanilang imbestigasyon, nagmula pa sa isang alyas Chan2 na kasalukuyang nakadetain sa Cebu City Jail ang mga nakumpiskang droga.
Makapagdispose ng 500 hanggang sa isang kilo ng shabu kada buwan sa Brgy. Labangon, Guadalupe at Pardo.
Nahaharap ngayon ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.