-- Advertisements --

Aabot sa 2,000 piraso ng mga pekeng Chinese insecticide na nagkakahalaga ng P350,000.00 ang nasabat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lalawigan ng Batangas at Laguna.

Ayon kay chief of NBI intellectual property rights division, Glenn Ricarte ang mga nasabat na pekeng mga insectide ay mas mura bilhin kumpara sa totoong produkto, subalit may dala itong panganib sa kalusugan ng mga consumers.

Dagdag pa ni Ricarte, wala pang patunay na ang mga nasabing produkto ay epektibo o mabisa para pamatay ng insekto.

” We can’t prove the efficacy and quality of these fake products or if they are effective at killing pests. Maybe it has too many chemicals that are harmful to users,” wika ni Ricarte.

Inihayag ng NBI na agad sila hihingi ng permiso sa korte para agad nilang wasakin ang mga nakumpiskang produkto para maiwasan na malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga consumers.

Sinabi ni Ricarte, kanilang sasampahan ng paglabag sa trademark infringement ang mga suspek dahil ito ay hazardous substance.

Sa nasabing operasyon walang nahuli na suspeks ang NBI, subalit ongoing ang kanilang tracking operation laban sa mga suspeks na nasa likod sa pagbebenta ng mga pekeng insecticides.