-- Advertisements --
Arestado ng mga otoridad ang dalawang kalalakihan sa Barangay Rizal, MH del Pilar, Makati City dahil sa pagtutulak ng shabu.
Napasakamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sina Jonathan Aquino Torres at Baldwin Roscain Acebo, matapos ang mapagbentahan ang kanilang asset.
Umaabot sa kalahating kilo ang nasamsam na droga na may market value na P3.4 million.
Ang suspek na si Torres ay isang online seller, kaya tinitingnan na kung ginagamit din nito sa iligal na gawain ang kaniyang negosyo.
Habang si Acebo ay vendor at hinihinalang dito rin niya idinadaan ang ilan sa kaniyang mga transaksyon.










