-- Advertisements --

Arestado ng pinagsanib na pwersa ng PNP-DEG at PDEA ang umano’y tatlong drug suspeks sa ikinasang buy-bust operation sa may bahagi ng McArthur Highway, Barangay Bunlo, Bocaue, Bulacan.

Kinilala ni PNP OIC chief PLt. Gen. Vicente Danao ang nahuling tatlong drug suspeks na sina Jayson Falcon, Edward Elgarlino at Sarah Panganiban.

Nasabat ng mga awtoridad sa nasabing operasyon ang nasa P3.4 million halaga ng umano’y shabu.

“These suspects will face consequences of their actions as the police prepares the charges for their violations of Republic Act 9165,” pahayag ni PLt. Gen. Vicente Danao.

Siniguro naman ni Danao na lalo pa nila palalakasin ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.