-- Advertisements --
Aabot sa P21-milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs.
Bukod sa 2,305 na reams ng mga iligal at smuggled na sigarilyo ay kasamang sinira din ang mga makina sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo.
Isinagawa ang pagsira sa Porac, Pampanga.
Ang nasabing hakbang ay para matiyak na hindi na kakalat pa ang ito sa mga pamilihan.