Nag-alok ng hanggang P20 milyong pabuya ng pamahalaan sa mga makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga smuggler at hoarders ng mga agricultural product.
Ayon kay Agriculture spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa, sa ilalim ng bagong baatas na Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, maituturing ng economic sabotage ang hoarding o smuggling ng mahigit P10 milyong ng agri products.
Nakasaad din sa bagong batas na ang mga mapapatunayang guilty ay mahaharap sa habambuhay na pagkakakulong nang walang inirerekomendang piyansa at pagmumultahin ng 5 beses na halaga ng nakumpiskang mga produkto.
Halimbawa ayon sa opisyal kapag ang halaga ng nasabat na smuggled goods ay P100 million, pagmumultahin ang mga smuggler ng P500 million.