Hindi nakaiwas ang mga economic managers ng Pilipinas sa naging tanong ni Sen. Risa Hontiveros kung bakit maliit lamang ang pondong nakalaan sa pagbili ng COVID-19 vaccines sa susunod na taon.
Sa unang araw ng budget deliberation sa Senado, sinabi ni Hontiveros na kung kailangan ng isang indibidwal ng 3 doses ng bakuna na nagkakahalaga ng P700 per dose ay dapat umanong maghanda ng halos P189 billion ang gobyerno para sa 18 million low-income families sa bansa.
Posible raw kasi na magka-shortfall kahit pa na ang initial target lamang na mabigyan ng gamot sa unang purchae ay nasa 3.8 milyon na Pilipino.
Paliwanag naman ni Budget Secretary Wendel Avisado na ang P2.5 billion pesos sa kanilang disclosure ay initial budget allocation lamang. Tiniyak din nito na nakahanda ang Department of Finance (DOF) na tugunan ang kung anomang maging pagkukulang sa pondo.
Sa ilalim naman ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ay maaaring gamitin ng gobeyrno ang halos kalahati ng P25 billion pesos mula sa standby fund kung sakali na kailanganin ng dagdag pondo para sa bakuna.