Naaresto na ng kapulisan ang dalawnag suspek na pumaslang sa vlogger na si Alicia “Mima Alicia” Lipata.
Kinumpirma ni PCol.Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office (PIO) ng Philippine National Police (PNP), naaresto ang mga suspek nitong umaga ng Hulyo 23 sa Mabalacat, Pampanga.
Ang mga suspek ay isang 58-anyos na lalaki mula sa Caloocan City na siyang bumaril habang ang drayber ng motorsiklo na isang 48-anyos na lalaki mula sa Cavite.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang hand grenades, isang caliber .45 at isang .9mm na pistol kung saan pinaniniwalaan ng PNP na ang caliber .45 na baril ay siyang ginamit ng suspek sa insidente.
Kinumpirma rin ni Co na ang gunman ay may ibang kinakaharap na ibang mga kaso subalit hindi na nito binanggit pa.
Magugunitang pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima sa lungsod ng Caloocan noong Hulyo 17.
















