Pumanaw na ang beteranong abogado na si Jose C. Sison sa edad na 88, ayon sa inanunsyo ng kanyang anak na si dating Quezon City Vice Mayor Jose “Jopet” Sison nitong Huwebes.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jopet Sison na mapayapang pumanaw ang kanyang ama nitong umaga ng Hulyo 23, 2026.
“This morning, July 23, 2026, our Papa Ping peacefully joined our Creator. We are comforted that he lived a full life as a lawyer, a husband to Josie, a father to his six children, and a grandfather to his sixteen grandchildren. Please keep him in your prayers and remember him with love and fond memories,” ani ni Jopet Sison.
Hindi na nila isinapubliko ang sanhi ng pagpanaw ng ama.
Magsisimula ang burol sa Biyernes ng hapon, Hulyo 24, sa Ascension Chapel ng Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City.
Nakatakda namang ilibing si Sison sa Martes, Hulyo 28, sa Heavens Gate 1 Memorial Park sa Antipolo City.
Inaasahan pang iaanunsyo ng pamilya ang eksaktong oras ng libing.
Ipinanganak noong Abril 7, 1938, si Jose C. Sison ay kinikilalang isa sa mga iginagalang na abogado sa bansa.
Sa loob ng ilang dekadang panunungkulan sa larangan ng pagiging abogasya, nag-iwan siya ng mahalagang ambag sa legal professions at nagsilbing huwaran sa maraming kapwa abogado at mag-aaral ng batas.










