-- Advertisements --
Bautista

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) undersecretary at retired Major General Rene Glen Paje na inaayos na nila ang listahan para sa social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.

Aniya, sa kasalukuyan ay inaayos na nila ang listahan lalo na ang mga kuwalipikado pero wala pang natatanggap na cash assistance.

Samantala, ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, aabot na sa P18 billion ang cash assistance na naipamahagi ng pamahalaan sa 1,514 local government units (LGUs).

Ayon kay Bautista nasa 97.13 percent na raw ang nai-transfer na pondo sa mga LGUs nationwide at tuloy-tuloy po ang implementasyon ng SAP na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan.

Dagdag ng opisyal, ngayong extended ang enhanced community quarantine sa ilang lugar, makakaasa ang ating mga kababayang apektado ng krisis na makakatanggap pa rin ng ayuda mula sa pamahalaan.