-- Advertisements --

Patong-patong na kaso ang isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DoJ) sa walong delingkuwenteng tax payers dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Ayon sa BIR-East National Capital Region (NCR), kabilang sa mga ipinagharap nila ng tax evasion charges ay limang korporasyon, dalawang partnerships at isang negosyante, na bigong makapagbayad ng buwis para sa taxable years na 2009, 2010, 2011 at 2012, at aabot sa halagang P160 million.

Narito ang mga kumpanyang hindi nagbayad ng tamang buwis:

  • LDE/MBE Global Corporation, na may tax liability na aabot sa P32 million.
  • RPV Electro Technology Philippines Corporation, na may tax liability na P26.7 million.
  • Best Shinamono Corporation, na bigong makapagbayad ng P13.7 million na buwis.
  • Koyo Trading Philippines Inc., P8.2 million na hindi nabayarang buwis.
  • PPR Light Steel Framing Systems Inc., na umabot sa P7.8 million ang hindi nabayarang buwis.
  • Ang partnership ng Marks Manufacturing Company at Hapihom Co., na may tax liability na P31.6 million at P11.4 million.
  • At negosyanteng si Michael Natanuan Tuazon, na may tax liability na P28.9 million.

Ang mga nabanggit ay lumabag sa mga probisyon ng Tax Code, ayon sa BIR.

Ang pagsasampa ng mga reklamo laban sa mga delingkwenteng taxpayer ay bahagi ng Run Aftet Tax Evaders (RATE) program ng BIR.

Ang panibagong isinampang walong kaso ang ika-580 na isinampa ng BIR sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Caesar Dulay.