Aabot sa P15 billion na pondo ang hinihingi ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa fiscal year 2022.
Sa pagdinig ng House Committee on Higher Education and Technical Education, sinabi ni TESDA executive director Rosalina Constantino na ang proposed budget nila para sa susunod na taon ay 5% na mas mataas kumpara sa P14,464,356 na ibinigay sa kanila sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act.
Para sa susunod na taon, ang kabuuang halaga na iminumungkahi ng ahensya para kanilang maging pondo ay P15,768,758,978.
Sinabi ni Constantino na makakatulong ang pondong ito para sa long-term resilience ng mga Pilipino at para matulungan din ang mga manggagawa sa patuloy na nagbabagong mundo sa panahon ng technological transformation.
Ang kanilang proposed budget ay hahatiin sa dalawang tiers: ang una ay P13.736 billion habang ang ikalawa naman ay P2.032 billion.