-- Advertisements --
Nakalikom ang Pilipinas ng kabuuang P149 billion o $2.6 million revenues o kita mula sa sektor ng turismo noong Nobiyembre ng kasalukuyang taon.
Sa year-end report na iprinisenta ng Tourism department, iniulat din ng ahensiya na pumalo sa 2.4 million ang tourist arrivals sa Pilipinas na kinikilala bilang nangungunang beach at dive destination sa buong mundo.
Ang bilang ng mga dayuhnag turista na bimisita sa bansa ay 75% ng target ng ahensiya na 1.7 million foreign visitors.
Sa taong 2023, target ng ahensiya na makapagtala ng 2.6 million international tourist arrivals sa low scenario at 6.4 million naman sa high scenario.










