Nasa mahigit P138 bilyong piso na pondo ang inilaan ng Marcos administration sa Higher Education para sa taong ito ng 2023.
Ayon sa Department of Budget and Management, P107.04 billion pesos nito ay ilalaan para sa State Universities and Colleges o SUCs.
Sa kabilang dako’y 31.73 billion pesos Naman Ang budget allotment sa Commission on Higher Education (CHED).
Ayon kay Budget secretary Amenah Pangandaman na bahagi ng higit P138 bilyong pisong pondo ay gagamitin din para pondohan Ang Universal Access to Quality Tertiary Education Program na aabot sa P45.80 billion pesos.
Bukod Dito ay pinondohan din ang Student Financial Assistance Programs na nasa P1.52 billion pesos na gagamitin sa scholarship at grant-in-aid programs sa 21,053 na mga estudyante.
Mayruon ding P500 million pesos para sa Medical Scholarship and Return Service Program habang mayrun ding
P167 million pesos para sa subsidiya ng tuition fees ng mga medical students sa State Universities and Colleges.