-- Advertisements --

rizal2

Nasa 15 kilo ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng PNP (Philippine National Police) at PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) sa isinagawang buy bust operation kagabi sa Highawa 2000, Barangay Sta Ana Exit, Taytay, Rizal.

Napatay sa operasyon ang dalawang drug suspek matapos manlaban umano sa mga operatiba.

Kinilala ni PNP chief Gen. Debold Sinas ang nasawing prime suspek sa alyas na Alvin, na umano’y notorious o kilalang drug dealer sa Region 4A, National Capital Region at mga kalapit na lalawigan.

Habang inaalam pa ang identity ng pangalawang namatay na suspek.

Tinatayang P102 million ang halaga ng mga nakumpiskang shabu.

Base sa imbestigasyon, si Alvin ay isa sa mga distributor ng isang Michael Lucas na unang naaresto sa Town and Country Homes, Dasmariñas, Cavite.

Kabilang umano sila sa sindikato na kumukuha ng supply ng droga at instructions kung kanino ito ide-deliver mula sa isang Chinese na nakabase sa Hong Kong.

rizal1