Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Navotas na simula ngayong taon ay makakatanggap na ang mga registered senior citizen sa kanilang lundo ng tig po P1,000 bilang birthday gift..
Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco , ang hakbang na ito ay alinsunod sa Navotas City Ordinance No. 2023-44 o ang “Amended Birthday Cash Gift to Senior Citizens.”
Paliwanag ng alkalde, ito ay pagpapakita rin ng pagpapahalaga sa kontribusyon ng mga matatanda sa pag-unlad ng kanilang lungsod.
Kabilang sa mga makatatanggap ng naturang halaga ng pera ay mga senior registered voters ng Navotas at may ID mula sa City Social Welfare Development Office.
Tiniyak rin ng alkalde na makakakuha pa rin ng P1,000 birthday gift ang mga senior na deactivated na ang voter registration sa kanilang mga kalagayang pangkalusugan.
Kailangan lamang na magpakita o magpresenta ito ng senior ID.
Samantala, bukod sa P1,000 birthday gift, mamamahagi rin ang lokal na pamahalaan ng Navotas ng ₱10,000 cash gift sa kanilang mga centenarian.