Naniniwala ang pamunuan ng Private Sector Advisory Council na mas makabubuti kung uunti-untiin ang pagpapatupad ng isinusulong na P100 minimum wage hike para sa mga manggagawa sa pribadong sektor dito sa ating bansa.
Ayon kay Private Sector Advisory Council Lad for Jobs Joey Conception, layon nito na hindi ang mga maliliit na negosyante .
Ito ay upang makayanan nito ng lubusan na makasabay rin sa pagtaas ng minimum wage.
Inihalimbawa pa ng opisyal ang mga nagdaang administration na unti-unting ipnatupad ang 15 pesos hanggang 30 pesos na umento sa sahod.
Iginiit ng opisyal na tanging mga malalaking kurporasyon lamang ang makakasabay sa 100 pesos na umento sa sahod.
Punto pa ni Conception mas maganda na pag-tuunan ng gobyerno ang paglikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Dapat rin na tutukanang upskilling at upscaling ng mga manggagawa ng sa gayon ay lumawak pa ang oportunidad na mabubuksan para sa mga ito