-- Advertisements --

Magbibigay ng kabuuang P100 million ang mga alkalde sa Metro Manila sa mga sinalanta ng Bagyong Odette kamakailan.

Sa isang resolution na nilagdaan ng 17 alkalde sa National Capital Region na bumubuo sa Metro manila Council, ang naturang alokasyon ay manggagaling sa savings ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, prayoridad sa naturang pondo ang mga local government units na hinagupit ng tropical cyclone wind signal number 4.

Ang financial aid na ito ay makakatulong ng malaki lalo na ngayong papalapit na rin naman ang Pasko.

Ayon sa Disaster Response Operations Monitoring Informatin Center ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang noong Disyembre 20, aabot na sa 465,237 pamilya o 1,851,409 indibidwal mula sa  3,533 barangay na karamihan sa Visayas at Mindanao regions.

Sinabi rin ng DSWD na aabot sa 54,785 bahay ang sinira ng bagyo kung saan 34,681 ang partially damaged at 20,104 naman ang totally damaged.