-- Advertisements --
Ibinunyag ngayon ng Director of Basketball Recruiting na si Evan Daniels na nasa $200,000 ang deal para kay Kai Sotto sa NBA G-League sa loob ng limang buwan.
Ang tatanggapin ng 7 -foot-2 Pinoy basketball player ay katumbas ng P10 million o P2 million kada buwan.
Ang five-month program ay mula sa new professional path ng developmental league.
Pero ang deal ay mas mababa kumpara kay Jalen Green, ang top high school recruit sa United States na unang nag-commit sa NBA G-League selection team.
Ang 6-foot-5 high-flyer na may lahing Pinoy ay napaulat na pumirma ng deal na $500,000 sa isang season o katumbas ng 25 million.