-- Advertisements --
image 102

Inaresto ng pulisya ang isang hinihinalang big-time drug pusher at nasamsam ang shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon sa isang buy-bust operation sa Esperanza, Sultan Kudarat noong Biyernes, Oktubre 6.

Ayon kay Police Col. Christopher Bermudez, Sultan Kudarat police director, naaresto ng Regional Police Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency si Halima Kamad, residente ng Kabuntalan Talipapa, Datu Piang, Maguindanao.

Nakuha kay Kamad ang 250 gramo ng shabu na may tinatayang market value na P1.7 milyon.

Tinukoy ng mga awtoridad ang suspek bilang high-value drug trafficker na nag-ooperate sa Maguindanao at Sultan Kudarat.

Nahaharap naman sa drug-related charges ang suspek at nakakulong sa PDEA detention facility sa Koronadal City.