Inihayag ng isang transport group na ibinalik ng Deprtment of Transportation (DOTr) ang P1.2 billion sa National Treasury na nakalaan para pondohan ang subsidiya para sa mga tsuper at operators na apektado ng Public Utility Vehicle Modernization Program.
Ayon kay 1 United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK) chairman Atty. Vigor Mendoza, nag-apply ito para sa karagdagang subsidiya para sa PUV modernization program sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Pebrero 17 ngayong taon.
Subalit ipinaalam sa kanila na ang aplikasyon para sa karagdagang subsudiya ay kasalukuyang nakabinbin dahil ang pondo ay ibinalik sa pamahalaan noong katapusan ng 2022.
Kung maaalala, naglunsad ang DOTr ng PUV modernization program sa pamamagitan ng Department order No. 2017-011 ng Omnibus Franchising Guidelines.
Nagisyu ng isa pang kautusan ang DOtr para sa panuntunan para sa pag-avail ng government subsidy para masaklaw ang equity na kailangan sa pagbili ng bagong unit ng PUV sa ilalim ng financing programs.










