-- Advertisements --
Sunod-sunod na ngayong nag-anunsyo ang mga oil companies sa pare-pareho ring oil price rollback na ipapatupad ngayong araw ng Martes.
Una nang nag-anunsyo ang mga oil firms ng bawas presyo ng gasolina sa P0.35 kada litro, habang may rollback din sa kerosina sa P0.45 bawat litro gayundin ang diesel na medyo may malaking rollback sa P1.10 kada litro.
Nauna nang nagpatupad ng rollback nitong alas-12:01 ng madaling araw ang Cleanfuel at Caltex.
Habang ang iba pang mga oil campanies ay dakong alas-6:00 ng umaga ang implementasyon ng rollback kasama na ang Seaoil, Petrogazz, Shell Pilipinas, Jetti Petroleum, PTT Philippines, at Unioil.