-- Advertisements --

ILOILO CITY – Dumating na sa Iloilo ang kontrobersyal na si P/Lt Col. Jovie Espenido.

Si Espenido ang itinuturing na kilabot ng Philippine National Police dahil sa pagkamatay ng mga alkalde na sangkot sa illegal drugs sa Albuera, Leyte at Ozamiz City, kung saan siya na-assign noon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Espenido, sinabi nito na hindi pa rin tiyak kung saan siya itatalaga.

Pansamantala, ito ay mananatili sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit.

Inamin naman ni Espenido na pressured siya sa malaking expectation ng mga tao sa kanya ngunit tiniyak nito ang pagpuksa sa iligal na druga sa kanyang area of assignment.

Malalaman pa ang magiging assignment ni Espenido pagkatapos ng kaniyang courtesy call kay Police Regional Office-6 Director Rene Pamuspusan na dumalo pa sa command conference sa Camp Crame at hindi pa nakakabalik sa Police Regional Office 6.