-- Advertisements --
OWWA

Pinamamadali na ng pamahalaan ang pagpapauwi sa mga Pinoy na apektado sa pambobombang ginawa ng Russia sa civillian cargo vessel na papasok sa pwerto ng Odesa sa Black Sea noong Miyerkules.

Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, labis na napinsala ang barkong tinamaan ng missile, at hindi na nito kaya pang maglayag dahil sa nangyaring pagsabog.

Ayon sa opisyal, kailangan nang mapauwi ang mga biktima dahil tiyak na nakakaranas ang mga ito ng trauma.

Kasalukuyan na rin ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa manpower agency upang mapadali ang pag-uwi sa mga marinong Pinoy.

Ayon kay Ignacio, plano nilang bago sumapit ang Pasko ay makasama na ng mga marinong Pinoy ang kani-kanilang mga pamilya.