-- Advertisements --

Handa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa inaasahang maraming bilang ng mga overseas Filipino workers na uuwi sa Pilipinas sa Pasko sa kabila nang mahigpit na health procotols dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, nananatiling nasa manageable level ang hotel accomodation para sa mga umuuwing OFWs.

Ang bilang ng mga OFWs na ina-accommodate ng government-sponsored hotels sa buong bansa sa ngayon ay nasa 12,000 hanggang 13,000.

Sa naturang bilang, 9859 dito ang nananatili sa 178 hotels sa National Capital Region.

Ayon kay Cacdac, ang “red alert level” ay nasa 15,000 pa naman kaya ang sitwasyon sa ngayon ay maayos pa kung maituturing.

Samantala, ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at ang One-Stop-Shop ng IATF ay tinitiyak din na matutulungan makauwi sa kanikanilang bahay ang mga uuwing OFWs ngayong Christmas season.