Binatikos ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo ang deklarasyon ng pamahalaan ng state of calamity sa Calabarzon noong Pebrero, 27, o halos pitong linggo matapos na magkaroon ng phreatic eruption ang Taal Volcano noong Enero 12.

Sinabi ni Gutierrez na ang late issuance na ito ay maaring makaapekto sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong lugar sa rehiyon.

“Ayaw natin maging mabagal ang response dahil bawat araw na nagbabagal-bagal ang pamahalaan, isa na namang araw na hindi makakabalik sa kanilang maayos na buhay ang ating mga kababayan,” ani Gutierrez.

Nauna nang kinontra ng Malacañang ang mga kritisismo sa timing ng naturang deklarasyon.

Ayon kay Presidential Spokseprson Salvador Panelo, “there can never be too late in any declaration with respect to calamities. ‘Pag may calamity siyempre ang tagal niyan, you cannot be late.”