Nagpatupad na rin ang Office of the Vice President ng flexible work arrangements batay yan sa drektba mula sa Malacanang para sa strktong implementasyonnng energy-conservation measures dahil sa epekto ng ongoing armed conflict sa Middle East.
Sa naging abiso ng tanggapan, epektibo na rin ngayong araw ang four-day work week sa kanilang opisina kung saan nakalaan ang isang araw para sa work-from-home ng mga empleyado.
Dahil dito, ang magiging operating hours na ng OVP ay mula 8:00am ng umaga hanggang 5:00pm ng hapon mula yan Lunes hanggang Huwebes habaang ang Biyernes naman ay inilaan sa WFH arrangement.
Samantala, tiniyak rin ng OVP na tatalima sila sa striktong pagpapatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya ng hindi rin naaapektuhan at nakokompormiso ang kanilang operasyon at trabaho.
















