-- Advertisements --
sara duterte 1

Dumipensa ang Office of the Vice Preident (OVP) na ginastos ng tama ang P125 million halaga ng confidential expenses ng tanggapan noong 2022.

Inisyu ng opisina ng Ikalawang Pangulo ang naturang pahayag matapos madiskubre sa 2022 Annual Audit report ng Commission on Audit (COA) na mayroong P125 million confidential expenses ang OVP noong nakalipas na taon kahit na wala itong paglalaanan para sa intelligence o confidential funds sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022.

Saad ng OVP na ginamit ang naturang confidential fund para sa kung saan ito nakalaan at ito ay alinsunod sa guidelines o panuntunan na itinkda ng pamahalaan.

Sa ilalim kasi ng liderator ni Vice President Sara Duterte, mayroong kabuuang P500 million confidential funds ang OVP sa pambansang pondo ngayong taon.

Base naman sa “Summary of Appropriations, Allotments, Obligations, Disbursements and Balances by Object of Expenditures na makikita rin sa OVP website, nakasaad na kinuha ang confidential expenses mula sa contingent fund ng OVP sa ilalim ng Special Purpose Funds.

Ang naturang P125 million confidential funds din aniya ay na-disburse sa huling quarter ng 2022.

Una ng pinuna ng COA ang OVP sa pagbili ng mahigit P600,000 na halaga ng equipments para sa mabilis na pagpapatayo ng satellite offices dahil bigo itong sumunod sa Procurement law.

Subalit sa parte naman ng OVP, sinabi nito na pumasa sa audit ng COA ang naturang halaga ng procurement

Magugunita na una ng umani ng batikos ang paglalaan ng confidential fund ng OVP habang sumasailalim ito sa deliberayon sa Kongreso noong nakalipas na taon kung nagpahayag ng pagkabahala si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel na posibleng madoble lamang ang functions ng ibang mga ahenisya na mayroong kaparehong pondo.