Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga merchants at traders hinggil sa overpricing at price hikes.
Particular na tinukoy ng DTI ang mga merchants at traders sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity kasunod nang pananalasa ng Bagyong Odette.
Kabilang sa mga lugar na ito ay ang MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visauas, Northern Mindanao at Caraga.
Iginiit ng DTI na maituturing paglabag sa Republic Act No. 7581 o Price Act ang overpricing at pagpapatupad ng price hikes sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Paliwanag ng kagawaran na dahil sa state of emergency sa mga apektadong lugar, magkakaroon ng control sa presyuhan para matiyak ang availability ng basic goods at commodities.
Hinikayat ng DTI ang publiko na makakaranas ng overpricing na dumulog sa kanilang hotline o mag-email sa kanila sa consumercare@dti.gov.ph o bumisita sa www.DTI.gov.ph/konsumer/complaints.