-- Advertisements --
image 252

“Overloaded”. Ito ang nakitang dahilan ng pagbagsak ng Carlos P. Romulo Bridge sa Barangay Wawa sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Ayon kay DPWH Pangasinan Third Engineering Office District Engineer Simplicio Gonzalez, nagkasabay na dumaan sa tulay ang 12 wheelers truck na may dalang buhangin at isang elf truck na may kargang mga fertlizer na sa kanilang tantya ay nasa 20 tonelada ang bigat.

Aminado rin si Gonzales na luma na ang tulay at sa kanyang pagkakaalam ay itinayo pa ito noon pang 1945 at isang beses pa lamang ni repair.
Noong matapos ang lindol sa nakaraang mga buwan ay wala namang nakitaan na bitak nang ito ay inspeksyunin.

Sa ngayon ay hindi pa malaman ang kabuoang danyos ng pinsala sa tulay.

Samantala, sisimulan ngayong araw ang pagtatangal sa mga sasakyan na nasa lugar nang ito ay bumagsak.

Sa kuha ng isang CCTV, makikita ang ilang mga sasakyan gaya na lamang ng ilang truck, tricycle at ilang mga kotse na dumadaan sa naturang tulay nang bigla itong bumigay.