Suportado ni outgoing Minority Leader Franklin Drilon ang si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri na aniya’y fit sa posisyon para maging susunod na Senate president.
Nasabi ito ni Drilon na dati ding nanilbihan bilang Senate president dahil aniya maliban sa kaalaman nito sa iba’ t ibang policy issues na kinakaharap ng ating bansa, nag-improve din aniya ang skills ni Zubiri pagdating sa pagtatag ng consensus sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Ipinunto din ni Drilon na bilang minority leader sa nagdaang 18th Congress, hindi ito napigilan ng Senate leaders mula sa pagtatanong sa mga panukala na sponsor ng kaniyang kasamahan.
Si Zubiri ay itinalaga bilang officer-in-charge ng mataas na kapulungan ng 19th Congress mula June 29 hanggang sa simula ng 19th Congress sa hulyo.
Isa din si Zubiri na tumatakbo para sa Senate presidency ng 19th Congress.
-- Advertisements --